Nakatulog ako ng sobra sa 3 oras ngayong hapon. Ayaw ko pa sanang bumangon kaya lang ang aking malaking alaga sa tyan ay nangangalikot na ng kung anong parte ng kalamnan ko. Gutom na daw sya. O di sige, tayo. Uhaw na uhaw din pala ako. Nanunuyot na ang lalamunan ko.
Habang palabas ng kwarto, nag-iisip ako kung ano ang pwede kung makain na hindi na kailangan pang lutuin o hindi matagal ihanda. Naisip ko yong mga jelly babies na nasa fridge na nang matagal na panahon. Noong naglilihi pa yata ako binili yon. Pero baka expire na kaya kinalimutan ko. Inisip ko kung ano ang meron pa sa fridge. Raisin na tinapay, kaya lang almusal din namin yon kanina eh. Meron pa ngang tostado dun sa plato na ayaw kainin ni MCJ kasi tuyot daw.
Alam ko meron pang chocolate sponge roll si MCJ kaya lang parang matrabahong ihanda. Mahirap buksan ang kahon, tapos hihiwain mo pa. Mga 5 minuto siguro ang kailangan mong igugol bago mo makain. Ang tagal! Gutom na nga ako eh.
Binuksan ko ang cupboard/pantry. Aha! May natira pa palang rice biscuit at hazelnut spread na binili pa namin noong naglilihi pa din ako na hindi ko nagustuhan noon. Ito mabilis ihanda. Kaya lang, makunat na yata ang biskwit. Eh di, ipasok sa mic at ipaikot ng 30 sigundos. Tyarannnn! Kainan na.
Kumuha ako ng mainom sa fridge at nagsimulang lagyan ng spread ang biskwit. Nakaubos ako ng 4 na piraso. Pero kulang yata. Gutom pa din ako. Pinasok ko ang tuyot na tostadong tinapay sa mic at pinaikot ng 1 minuto. Hindi na tostado ng mainit pero ng malamig na, mas matigas pero pinag-tyagaan ko na. Gutom nga kasi ako eh. Naubos ko lahat yon!
Hindi naman talaga ako ganito eh.... ang ibig kong sabihin, hindi ako masyadong tamad pero lagi talaga akong nagugutom. Kaya lang masipag ako laging magluto, maghanda o maghain. Ewan ko ba ngayon. Siguro kasi matamlay ang katawan ko kasi kagigising ko lang. Sabi ko na nga bang hindi ako matutulog ng matagal sa hapon eh.
Ang mahal kong alaga sa tyan nagsasasayaw ata kasi may laman ang tyan ko... pero kulang ang kinain ko para sa aming dalawa. Kailangan kong kumain pa pero mamaya na.
Oo nga pala, kailangan kong bumili ng mga pagkain na instant ngayon na ang mood ko ay pabago-bago.
Monday, July 9
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment